Nakita ko na nung biyernes ang pang apat naming sasakyan sa aming isang decadang buhay pamilya. Natural nagagalak ako ngunit sinilip ko siya dahil naninigurado lamang ako sa kundisyon niya. Yung pangatlo naming sasakyan na 2002 Revo ay may kaunting diperensya nung nakuha naming ngunit huli na nung aking nahalata – na pinturahan yung bandang harapan ng hood. Hindi man siya halata kung tutuusin subalit kung mahilig ka sa sasakyan tulad ko ay mahuhuli mo ang pagkakamali. Sinabi ko nga sa Toyota yun pero ang sabi sa akin ay natural lang yun. Natural man o hindi, sisiguraduhin ko na sa susunod naming sasakyan ay hindi na mangyayari ito.
Palagay ko makukuha naming ito sa susunod na lingo kaso mga dalawang lingo pa bago naming makuha yung plaka ng kotse. Umabot ng mahigit isang milyon ang sasakyan ngunit 62 porsiyento nito ay sinagot ng kumpanya. Masaya ako dahil nakakuha kami ng P25,000 na diskwento at mga P40,000 halaga ng libreng gamit tulad ng pang atras na sensor, ilaw pang ulap, punong tanke ng gasolina, 3M mahiwagang tint at kalawang proof.
Napakatagal ng hintayang ito para sa isang mahilig sa sasakyan tulad ko pero sa wakas, malapit na din!

No comments:
Post a Comment